Z “Yes hon, pauwe na rin ako ngayon. Yes, don't worry hindi naman ako lasing at kaya ko pang mag-drive,” rinig ni Z na sabi ng mommy niya sa kausap nito sa cellphone. Malamang ang dad niya ang tumatawag at hinahanap na ang ina niya. “Anak, kailangan ko ng umalis. Tumawag ang daddy mo at hinahanap na ako. At ikaw, maiwan ka muna rito sa Ninang Reina mo,” wika nito bago patayin ang gas stove. “Luto na rin itong ulam, para may makain kayo mamaya,” dagdag pa nito. Nasa kusina kasi sila ng mommy niya at tinulungan siyang magluto para makakain ang Ninang niya. Baka kasi magutom ito mamaya lalo pa at inuna pa nito ang tumungga ng alak kaysa kumain muna. “Talaga mommy? Okay lang sa‘yo na rito muna ako kay Ninang? But, how about dad? Baka hanapin niya ako,” saad ni Z sa mommy niya. Kunwari pa siya pero ang totoo nagdidiwang siya sa loob-loob niya. “Don't worry about your dad. Ako na ang bahala sa kanya,” wika ng mommy niya at napatingin sa sala kung saan umiinom pa rin ang ninang Rei
Huling Na-update : 2025-10-30 Magbasa pa