"I SLEPT WITH MY SISTER'S FIANCÉ" ARIELLE'S POINT OF VIEW Dalawang araw kaming magkasama ni Eleazar, at ngayon ay balik na naman sa normal ang lahat. Mahigit isang linggo na rin ang nakalipas nang magpunta kami ng Baguio at simula ng makabalik na kami ay hindi na ulit kami nagkita.. Mabuti na din siguro iyon dahil masyado rin akong abala sa acads ko, walang tigil na research, sandamakmak ng interviews, dahil isa iyon sa mga activities na pinapagawa sa akin ng aming instructor. Kagaya na lamang ngayon, halos buong araw aking nakatambay sa café, nakatutok sa laptop at ramdam ko ang paghapdi ng aking mga mata. Absent si Themarie, hindi siya pumasok dahil may lakad daw silang magpamilya ngayon, hindi naman na din ako nag-react pa at hinayaan ko siyang mag-enjoy kahit minsan lang. "Hysst, nakakahilo," wika ko, sandaling inalis ang aking tingin sa laptop upang pagpahingahin ang aking mata. Sumasakit na ang ulo ko dahil kanina pa ako nakaharap sa laptop, sa kagustuhan kong ma
Terakhir Diperbarui : 2025-11-24 Baca selengkapnya