ARIELLE'S POINT OF VIEW "Kababalik lang ng ate mo sa Macau, last month.. it would have been better if she was here right now," sambit ni Mommy. Pareho kaming nakaupo sa bench na nasa harapan ng bahay kung saan ako noon madalas tumatambay. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko si Daddy at Eleazar. Buhat-buhat ni Daddy si Razemont, habang si Eleazar ay masayang nakikipaglaro kay Zayla. "She was there on your wedding day," muling sambit ni Mommy, at pagkarinig ko niyon ay natigilan ako. Hindi makapaniwala sa aking narinig at dahan-dahang bumaling sa kanya. Nakangiti ito sa akin habang patuloy na pinipisil ang kamay ko na para bang hindi pa din ito makapaniwala na nasa harapan na niya ako. "She sent us some videos of your wedding ceremony. Me and your father were so happy, masaya kami kahit na laptop lang namin napapanood ang kasal mo.." dagdag nito, at maya-maya ay muling bumalik ang tingin niya sa kamay ko. Hindi ako nagsalita. Nakatingin lamang ako sa kanya, at kahit sobran
Magbasa pa