"Ma'am Alexa pinapasabi po ni Sir Luis na gusto po niya kayo makausap",ani Manang Luz. Hindi na niya namalayan ang oras at nakatulog na pala siya. Minabuti na niya na umidlip muna habang hinihintay ang pagdating ni Luis sa mansiyon. Ang sabi ng mga kasambahay ay nasa palayan raw kanina si Luis at may mga inaasikado doon. "Sige Manang Luz saan ko po ba matatagpuan si Luis?" "Nasa third floor po si sir Luis sa opisina niya ma'am".,masayang wika ng ginang. "Okay po pupunta na po ako doon",nakangiti naman niyang sabi. Nang makaalis na ang ginang ay minabuti niya na buksan ang built in closet at tingnan kung ano ang damit na maari niyang isoot upang maging kumportable. Naka T-Shirt at pants siya na hiniram niya Kay Jane at aaminin niya na hindi siya gaano g kumportable dahil maluwag iyon ng bahagya sa kaniya. Nangangayayat siya dala ng paglilihi at malimit ay inululuwa rin niya ang inilalaman niya sa kaniyang tiyan, kaya marahil siya namamayat. Tumambad sa kaniya ang ibat-ibang dam
Last Updated : 2025-11-02 Read more