"Ma'am! Ma'am Trina h'wag na po kayong mag eskandalo dito! Wala po dito sa mansiyon si sir Luis!"ani Manang Luz ang mayordoma sa mansiyon. Naghuhurumintado ang babae pagpasok pa lang ng mansiyon at gaya ng dati wala itong pakundangan kung tama pa ba o mali na ang ikinikilos nito."And who do you think you are! Katulong ka lang sa mansiyon na ito!", asik ng magandang babae.Nakasoot ito ng fitted na skirt na 3 inches above the knee at sleeveless na top kaya litaw na litaw ang makurba nitong katawan. May katangkaran ang babae, idagdag pa na naka high heels rin ito kaya naman kahit na anong pigil ni Manang Luz at Letty ay sumasalya lang sila sa tabi.Napahawak na lang sa sariling noo si Letty."Ma'am wala po talaga si sir Luis dito!" wika ni Letty, isa rin sa mga kasambahay."Eh kung ganun nasaan ang malanding babae na ipinalit sa akin ni Luis? I want to see her!" wika ng babae."Ma'am hindi naman po pwede ang gusto ninyo. Mas mabuti pa po ay bumalik na lang kayo sa ibang araw kung nand
Last Updated : 2025-10-31 Read more