Mahilig kasing asarin ng mga lalaki ang dalaga at gustong-gusto rin nila itong nakikita na nagwawala sa inis."Eh di tama nga ako. Tss, wala naman talaga akong pakialam sa 'yo, babae." sabat ng lalaki. "Ikaw!" saad ni Nissy nang mapagtanto ang ibig sabihin nito at muntik pa nga niya itong sugurin. Nawala na bigla ang pagiging guilty at puro inis na lang ang nararamdaman."Hoy, Harry Cuevas! Ang kapal talaga ng mukha mo!" sigaw pabalik ni Nissy. "Tsk. Akala ko kung ano na naman ang masasabi mo, 'yan lang naman pala." humalkahak ang lalaki. Hindi naman nakaimik si Nissy. Pagkatapos asarin si Nissy ay binigyang atensyon naman ng lalaki si Cailyn at tila feeling close sa dalaga."Hello! New classmate ka namin 'di ba? Ako pala si Harry Cuevas. Huwag mo ng sisihin si Nissy. Medyo mabagal lang talaga mag-isip 'yan, pero totoo namang pinagtakpan ka niya nung dumating yung teacher natin, e. Alam mo naman dito sa Science High, bawal ang absences. Kaya noong tinanong siya kung nasaan ka, ayo
اقرأ المزيد