"Napaka-bless niyo po talaga Mr. Avensa at may anak po kayo na napakabait. Isa po talaga si Fayra sa mga may matataas na grado sa klase namin, at maraming estudyante rin po ang tumitingala sa kaniya. Ibabalita ko po kaagad sa iba ang tungkol sa magandang balita na 'to bukas sa morning assembly namin." saad ng guro.Maganda naman ang pangangalaga ni Harvey sa kaniyang sarili. At dahil matagumpay ang kanyang negosyo nitong mga nakaraang taon at wala naman siyang gaanong stress doon kaya wala pa ring nakikitang kulubot asa kanyang mukha kahit na nasa mahigit apatnapung taong gulang na siya ngayon. Kaya rin may aura siya ng isang matagumpay na lalaki. Bahagyang ngumiti si Harvey dahil sa papuri ng homeroom teacher ni Fayra kasabay niyon ang pag-angat ng mga kilay niya. "Ah, oo nga pala, Teacher Jen. May isa pa sana akong gustong itanong sa 'yo.." biglang saad ni Harvey."Ano po 'yon, Mr. Avensa, sabihin niyo lang po. Isa po talaga si Fayra sa mga paborto kong estudyante, e. Kaya kung ka
Last Updated : 2025-11-30 Read more