"Kung ayaw mo namang tanggapin ang regalo ko , e 'di hindi ko rin puwedeng tanggapin ito." ani Nissy. Ayaw man niya ay maingat pa rin niyang inilapag ang bracelet sa mesa at itinulak pabalik kay Cailyn, kahit na halata namang gustong gusto niya iyon dahil hindi matanggal ang tingin niya rito.Tumaas ang dalawang kilay ni Cailyn, pagkatapos ay tumigil ang mga mata niya na parang mga bituin sa medyo namumulang mga pisngi at umaasang tingin ni Nissy. Pagkalipas ng ilang saglit ay napabuntong hininga na lamag si Cailyn at saka tumango na tila wala namang magawa."Sige na nga." ani Cailyn.Sakto naman na pumasok ang adviser ng klase pagkatapos sumang-ayon ni Cailyn sa gustong mangyari ni Nissy. Lumapit ang guro sa harapan at saka kinatok ang mesa na naroon. Nagkalasan lahat ng mga estudyante na parang mga ibon na nagliparan pabalik sa kani-kanilang upuan.Nagsimula ang guro sa pagpapaliwanag ng mga paalala para sa simula ng klase. Sa kalagitnaan ng klase ay bila na lamang nanginig ang tele
Last Updated : 2025-12-12 Read more