Pagkatapos ng aksidente, akala ko ayos na ang lahat. Pero kinabukasan, habang nasa opisina ako, biglang sumakit ang ulo ko nang sobra. Nag-blur ang paningin ko, at bago pa ako makatawag ng tulong—bigla na lang akong nawalan ng malay. --- Pagdilat ng mata ko, malamig na puting kisame ang una kong nakita. Amoy alcohol. Amoy ospital. “Celene?” Agad kong nakilala ‘yung boses — mababa, pamilyar, at puno ng pag-aalala. Paglingon ko, nando’n si Luther, nakaupo sa gilid ng kama, naka-roll up ang sleeves ng coat niya, at may bahid ng pagod sa mukha. “Luther…” mahina kong sabi. “Hey,” sagot niya, halos bulong. “You’re awake.” Napansin kong hawak niya ang kamay ko — mahigpit pero marahan. “Ano’ng nangyari?” tanong ko, pilit tinatanggal ang kamay ko pero hindi niya binitawan. “Nahimatay ka sa office,” sagot niya. “The doctor said it’s stress, fatigue, and mild dehydration. You’ve been pushing yourself too hard.” “Hindi naman siguro ganon ka-seryo—” “Celene,” putol niya, at sa tono
Last Updated : 2025-10-31 Read more