Kinabukasan, kahit ilang beses kong sinubukang ibaling sa trabaho ang isip ko, si Luther pa rin ang laman ng utak ko. Hindi ko alam kung dahil sa ginawa niyang paghatid sa akin kagabi, o dahil sa paraan ng pagkakasabi niya ng pangalan ko. “Celene.” Masyado niyang binigkas nang may bigat—parang ‘yon lang ang salitang kailangan niyang sabihin para mawalan ako ng lakas. Pero hindi puwedeng ganito. Hindi dapat. --- Pagpasok ko sa office, andoon na siya. Maaga pa, pero parang gising na siya buong gabi. Nakaupo sa mesa, hawak ang tablet, at nagbabasa ng mga report. “Good morning, Sir,” bati ko. Hindi siya agad tumingin. “You’re early.” “Following your example, Sir,” biro ko, kahit halata sa tono ko na kinakabahan pa rin ako. That made him finally look up. “That’s dangerous,” sabi niya, may bahagyang ngiti sa labi. “You might end up like me.” Napakunot noo ako. “And what exactly are you, Sir?” Tahimik siya sandali. “Someone who doesn’t sleep… and doesn’t stop thinking about thing
 Last Updated : 2025-10-31
Last Updated : 2025-10-31