-Hariette-Hapon na nang makabalik kami sa hotel. Dinagdagan ni Justin ang bayad niya kay Celeste, at tuwang-tuwa naman siyang tinanggap ito. Pangdagdag niya daw sa ipon niya pambili ng bangka at sa gamot ng nanay niya.Kaya pala siya na-late kanina sa pagdating dahil may trangkaso pala ang nanay niya. Napag-alaman ko din na sa likod lang ng hotel ang bahay nila, pero maya mataas na bakod na nakaharang. Kaya hindi sila basta-basta nakakapunta sa dagat.Kinailangan pa nilang dumaan sa entrance ng hotel. At dahil kilala naman na nila si Celeste dito, pinapayagan siyang maglabas-masok dito.Naglakad kami patungo sa entrance at medyo madami-dami na rin ang mga tao sa dalampasigan sa likod ng hotel. They were setting up different events like fire dancing shows, beach parties, bars, and even a yacht party.Nilampasan namin ni Justin ang mga ito at dire-diretso kaming pumasok sa loob. Hindi pa naman kami masyadong pagod, pero basa kasi ang suot namin kaya kailangan na naming maligo at magpal
Last Updated : 2025-12-28 Read more