-Hariette-Daddy?So, anak nga ni Justin ang batang ipinagbuntis ni Scarlet noon.“Hi, Hariette. Kumusta ka na?” lumapit sa akin si Scarlet at niyakap ako, dahilan para magulat ako. Anong ginagawa niya? Kailan pa kami naging close ng babaeng ito?Sa sobrang higpit ng pagyakap niya sa akin, halos hindi ako makahinga at napangiwi pa ako, kaya itinulak ko siya palayo sa akin. “Scarlet, hindi ako makahinga.”Hindi naman masyadong malakas ang pagkakatulak ko sa kanya, pero ang oa ng naging reaksyon niya. Sa kanyang pag-atras, halos mapaupo siya sa sofa. Mabuti na lamang at nahawakan siya ni Justin sa likod habang buhat-buhat pa rin niya ang bata.“Scarlet, are you okay?” nag-aalalang tanong nito sa ina ng kanyang anak.“Yeah. Sorry, medyo nahilo lang ako. Pasensya na.” napahawak ito sa kamay ni Justin. Agad naman siya nitong inalalayang maupo sa sofa.At ako? Nakatitig lang sa kanila. Nagtataka sa inasta ni Scarlet. At habang pinapanood ko sila, biglang nanikip ang dibd!b ko. Para silang
Last Updated : 2025-12-08 Read more