Juliana—Kung gaano karami ang nangyari sa unang araw ko rito sa mansyon, ganoon naman katahimik at puno ng kawalan ang mga sumunod. I still couldn't believe that it's been four days now.Surprisingly enough, after Cairo left that night, hindi rin kami nagkakasalubong ni Raegan.I haven't seen him since he barged into my room demanding for dinner. Nang magluto ako ng adobo sa parehong gabing iyon, na madalas kong lutuin sa dorm, hindi naman kinain ng siraulo. Ani ng isang kasambahay, tulog na raw ito sa kanyang kwarto.Hindi ko na kinulit. Lalo na't hindi naman ako pwedeng umakyat sa itaas at kalampagin na lang basta ang pinto ng kwarto niya para lang pilitin siyang kainin ang niluto ko.Buong araw noong pangalawang araw ko rito, walang anino niya ang nagpakita. Narinig ko na lang kahapon mula sa kanyang mga tauhan na umalis daw ito nang maaga, bago pa tuluyang sumikat ang araw.Hanggayon ngayon, wala pa rin siya rito.I don't know when he'll be back or where he went, pero narinig ko
Last Updated : 2025-11-07 Read more