Lyra’s POV Kinabukasan, habang nasa opisina ako, muli kong naramdaman ang matinding hilo at pangangalam ng sikmura. Bigla akong napahawak sa mesa, pilit na tinatago ang panginginig ng mga kamay ko. Nasa business trip si caleb sa ibang bansa, kaya na man mas ramdam ko ang kawalan niya sa oras na ito. Huminga ako nang malalim, pero lalo lang umiikot ang paningin ko. Parang may malamig na hangin sa loob ng katawan ko, at sa bawat saglit, mas lalo kong nararamdaman ang kakaibang kirot sa sikmura. Not now… please… wag ngayon… Umupo ako, nagkunwaring busy sa pag-check ng files, pero halos hindi ko na mabasa ang words sa screen. pakiramdam ko kumukulong ang tiyan ko. “Lyra, namumutla ka yata okay kalang ba?” tanong ni Ana sa akin. Mabilis kong inayos ang sarili ko, ramdam ko ang pawis sa batok ko kahit malamig ang aircon. “Hah, Aah-oo, siguro puyat lang,” pilit kong ngumiti. Pero sa likod ng ngiti ko, napahawak ako sa tiyan ko, takot sa posibleng dahilan ng lahat ng nar
Last Updated : 2025-11-20 Read more