Caleb’s POV Kinabukasan, parang walang nangyari sa amin ni Lyra kagabi. Tahimik lang siya buong umaga, at kahit minsan, hindi man lang tumingin sa direksyon ko. Ako naman, pilit kong pinapakalma ang sarili ko acting normal, acting okay kahit ang totoo, gusto ko na siyang yakapin at halikan. Pero kailangan kong kumilos na parang wala lang, dahil isang maling galaw lang, puwedeng magbago ang lahat sa amin. Pero sa loob-loob ko, bawat sandaling nandiyan siya sa harap ko, parang bumabalik lahat ng nangyari kagabi ang mga halik, ang init ng balat niya laban sa akin, at ang mga titig na ayaw kong kalimutan. Pagdating ng oras ng almusal, sabay-sabay kaming umupo sa mahabang mesa. My stepmom, si Dad, at si Lyra lahat mukhang normal. Pero sa ilalim ng katahimikan, may bigat na ako lang at siya ang nakakaalam. Pinakiramdaman ko siya. Tahimik. Walang imik. Nakayuko lang habang nilalaro ang kutsara’t tinidor niya. Hindi ko alam kung nahihiya siya, natatakot,
Last Updated : 2025-11-06 Read more