Tahimik si Elle sa buong biyahe hanggang sa makalapag sa airport. Hindi ito ang unang beses na sumakay si Elle ng eroplano, pero ito ang unang beses niyang pumunta sa Japan. Sa loob-loob niya'y nae-excite siya, pero nagpipigil dahil sa kasama. Wala na silang ginawa kundi mag-away at bangayan. Ayaw ni Allyna ng suot niya, kaya bago sila nakaalis ay mahabang pagtatalo pa ang naganap, kasama na roon ang hindi pagpayag nito sa 3 months na pakikipagrelasyon niya sa tourism student. "I know you like it." Kalalabas lang nila ng airport. "Ronan told me Japan is one of your dream destinations to go." Pumara siya ng taxi. walang tigil Ang bibig habang inilalagay ng driver ang mga gamit nila. Mas okay na ang pagiging maingay ni Allyna para sa kanya kaysa Ang pananahimik nito dahil Siya Naman Ang Hindi nagkakaroon ng katahimikan kakaisip kung ano bang problema. Nagsalita si Allyna ng Nihonggo para masabi Ang kanilang destination sa driver. Humanga si Elle dahil sa galing nitong
Read more