"The hell have you been?" Ito agad ang sumalubong kay Elle pagbukas pa lang niya ng main door ng kanilang bahay. Hindi niya pinansin ang himutok ni Allyna at nilagpasan lang ito. Pabalyang hinila Siya sa kamay ni Allyna. "What the fuck is wrong with you?!" Hindi na mapigilan ni Allyna ang galit sa kanyang dibdib. Si Elle Naman patuloy sa pag iwas. Ni ang tumingin sa kanya ay hindi nito makuha, kaya mas lalo siyang nag-iinit sa inis. "Talk to me! If nagagawa mo 'yan kay Ronan, puwes, sa akin, hindi puwede 'yan!" Ilang araw na siyang hindi matahimik dahil sa inaasta ni Elle. Hindi naman na ito bago sa kanya, pero mas lumala ngayon. Alam niyang sinasadya ni Elle na hindi magkrus ng landas nila. "I'm not cheating with your Dad, kung Yun Ang iniisip mo." Pero yun nga ba ang dahilan ng paghihimutok ng damdamin ni Elle? Sa inis na nararamdaman ay marahas niyang binawi ang kanyang kamay mula sa pagkakahawak ni Allyna nang mahigpit rito. Balak niyang panindigan na lang
Read more