Agua’s POV“Akin na,” tumayo siya upang abutin ang tubig na dala ni Kuya Atan.Wala sa sariling dumapo ang tingin ko sa katawan niyang ilang pulgada ang lamang mula sa ‘kin, at bago ko pa mapigilan ang sarili, nagsimula ng maglakbay ang mga mata ko sa kabuuan niya. Kahit balot ng suot niyang damit, hindi nito kayang itago ang perpektong hulma ng matipuno niyang katawan- malapad na mga balikat, matigas na dibdib, at mga bisig na tila kayang pumigil ng mundo kung gugustuhin, mga bisig niya kung saan nakakulong ako kanina sa panaginip ko. Malinaw na malinaw pa sa isipan ko kung gaano ko kagusto ang makulong sa mga bisig niyang iyon, kung gaano ko kagusto ang init na hatid ng hubad niyang katawan ngunit higit sa lahat, I felt safe and secure in those big arms…Tila ayaw paawat ng mga mata ko sa paglakbay pababa sa katawan niya.Sunod-sunod ang paglunok ko. Pinipilit pakalmahin ang sarili dahil unti-unti kong naramdaman ang pag-u
Last Updated : 2025-11-21 Read more