Flashback... "Aalis muna ako, Minda," narinig ni Katrina na paalam ng kanyang lolo sa kanyang lola. Nasa kusina siya habang nagliligpit ng pinagkainan. Kaga-graduate lang niya sa kursong Journalism, bakasyon naman kaya umuwi muna siya ng probinsya, babalik siya sa Maynila kapag natanggap na sa mga in-applyang trabaho. Sa ilang taon bilang estudyante sa isang kilalang Unibersidad sa Maynila ay hindi niya nakakaligtaan na umuwi tuwing bakasyon upang makasama ang kanyang mga lolo at lola. "O, gabi na ah, atsaka umuulan, saan ka naman ba pupunta, Teroy?" tanong ni lola Minda. "May emergency meeting kami ng mga kagawad sa barangay, kailangan ko rin nang suhestiyon nila tungkol sa mga nangyayaring patayan at ilegal na gawaing lumalaganap dito sa lugar natin," sagot nito. Her grandfather, Terry 'Teroy' Santos, was re-elected as barangay captain. Naka-ilang sunod na termino na itong naninilbihan sa lugar nila. Gusto ito ng mga tao dahil mabait, matulungin at maaasahan ang kanyang
Última atualização : 2025-12-03 Ler mais