Nagpasalamat si Katrina na walang alam ang HR Department sa nangyari kanina sa lobby. Labis ang kaba niya na baka matanggal siya sa trabaho kahit hindi pa man nagsisimula. Gaya ng narinig niya, she messed up with the big bosses, hindi kaya isa sa mga big boss ay si Lan? Oh, his name is Ford. Malungkot na nagbuntong hininga siya, mas gusto niya ang Lan na kilala niya, mas namimiss niya ang palangiting Lan, ang Lan na palaging nagpapalakas ng loob niya. "You can now go to your office table," nakangiting sabi ng HR manager, pinindot nito ang intercom at may kinausap doon, maya maya ay may pumasok na lalaki. "Carlos, this is Miss Katrina Santos, would you mind taking her to her office table? Ipakilala mo na rin siya sa mga kasamahan mo," Sabi ng HR Manganer. Nakangiting tumango ang lalaki. "Ok sir!" masiglang sagot nito pagkuwa'y nilapitan siya. "Let's go to our department," nakangiting sabi nito sa kanya. Tumango siya at tipid na ngumiti. "Okay." Aniya. "So your name is Katrin
Última atualização : 2025-12-06 Ler mais