"Rejected?" naguguluhang tanong ni Katrina habang nasa opisina ni sir Yano. Nagbuntong hininga ito. "You heard it right, Miss Santos," sagot nito. Umiling siya, gusto niya ng matinong paliwanag kung bakit hindi nakapasa ang paksa na isinumite niya. Mataas ang kumpiyansa niya sa sarili na isa sa mapipili ang ginawa niya. Kaya naman hindi niya matanggap na rejected iyon gaya ng pagbabalita nito sa kanya. "But why? Paanong hindi nakapasa ang topic na iyon, naalala ko pinuri mo pa nga iyon nang mabasa mo, hindi ba?" sabi niya. Muli itong nagbuntong hininga. "Yes, I think your topic stands out - it's really good compared to the others, detalyado lahat pati ang mga ebidensya, maganda ang pagkakasulat mo, and I like it very much. Kung ako ang masusunod, pipiliin ko ang sa'yo pero hindi ako ang may karapatan na magdesisyon sa bagong programa, so I'm so sorry Miss Santos," mahabang paliwanag nito. Para siyang pinagsakluban ng langit at lupa, it was her last alas, iyon ang pinakahihi
Última atualização : 2025-12-10 Ler mais