Naramdaman ni Katrina ang paghawak ng lalaki sa kamay niya, inangat niya ang ulo kahit madilim sa loob ng kabinet ay ramdam niyang nakatingin din ito sa kanya, pinisil nito ang kamay niya na tila ba sinasabing maghanda siya para sa anumang mangyayari.Narinig niya ang pag ingit ng kabinet, alam niyang makikita at mahuhuli na sila nito. Lalong humigpit ang paghawak ng lalaki sa kamay niya. Ang mga paghinga nila ay mabigat at mabilis dahil sa nerbyos.Bigla, isang matinis na tunog ang narinig niya, tila tunog na nanggagaling sa cellphone. Tumigil sa paglapit ang lalaki sa labas ng kabinet."Tumatawag si boss," anito, at lumayo sa kabinet.Tila nakahinga nang maluwag si Katrina at ang lalaki, hinintay nilang makalabas ang mga tao sa silid. Pagkatapos ng ilang minuto, tuluyan nang lumabas ang mga ito, at muling tumahimik ang silid."I think they're gone," sabi niya sa lalaki.Hindi umimik ang lalaki, kaya nagsalita ulit siya."Puwede na siguro tayong lumabas." Aniya. Saglit siyang natig
Terakhir Diperbarui : 2025-11-28 Baca selengkapnya