“Brother, why aren’t you answering?” nagtatakang tanong ni Eachen pagkapasok sa opisina ni Blane. Malamig ang aircon, amoy bagong kape, at sa glass wall ay tanaw ang skyline na kumikislap sa hapon. Kasunod niya, pumasok din sina Wade at Clifford—si Wade ay may dalang folder, si Clifford ay hawak ang takeout cup na may usok pa. Naupo si Blane sa swivel chair, umikot nang bahagya, at palihim na sinulyapan ang ilalim ng desk. Doon, nakayupyop si Melissa—nakasiksik sa pagitan ng thrash bin at ng pedestal drawer, ang mga tuhod ay nakadikit sa dibdib, bahagyang magulo ang buhok. Gusto niyang matawa, sa liit ng bulto nito, para itong cute na kuneho na nagtatago sa lungga. Kumurap si Melissa saka nag-sign ng “shh,” at napakagat-labi. “Hey, I’m talking to you, brother. Anong nginingiti-ngiti mo riyan?” ulit ni Eachen, curious na lumapit, sumilip sa gilid ng mesa. It was only then that Blane noticed the faint, involuntary smile on his lips. Kaagad siyang nagseryoso, itinuwid ang likod, hi
Read more