MasukNanginginig pa ang katawan ni Melissa habang hinawakan siya ni Blane. Agad na umigting ang panga nito, kumunot ang noo, at may dumaan na matinding galit sa mga mata nito nang makita ang kalagayan niya, ang mga pasa sa pisngi, ang dugong namuo sa gilid ng labi, at ang pamumutla ng kanyang mukha. "God...Melissa.." halos pabulong na sabi nito, may bakas ng matinding pag aalala. Masuyo itong lumuhod sa harap niya, at dahan-dahan na tinatanggal ang tali sa kanyang mga kamay at mga paa. Maingat at tila ba natatakot itong masaktan siya. Nang makalas ang mga tali, halos bumigay ang kanyang katawan subalit kaagad naman siyang sinalo ni Blane. Marahan nitong inangat ang kanyang mukha, at gamit ang hinlalaki, maingat nitong pinunasan ang dugo sa gilid ng kanyang labi. “Melissa…” mahina niyang tawag. Doon na tuluyang bumagsak ang katatagang pilit niyang pinapakita kanina. Para bang sa harap ng binata ay okay lang na maging mahina siya. “I thought she’s alive…” nanginginig niyang s
“Your daughter is alive. She’s with us. If you want to see her, come to this address and don’t bother calling the police.” Nang mabasa ni Melissa ang mensahe, tila biglang huminto ang mundo sa paligid niya. Muling bumalik ang lahat..ang sakit, ang pagkawala, at ang pag-asang pilit niyang ibinaon sa limot. Ngunit ngayon…may posibilidad na buhay si Aliyah, makikita na muli niya ang anak. Hindi na siya nagdalawang-isip. Mabilis siyang lumabas ng kumpanya, halos hindi na napansin ang mga empleyadong nakakasalubong sa hallway. Nanginginig ang kanyang mga kamay habang binubuksan ang sasakyan. Pagkaupo niya sa driver’s seat, agad niyang kinuha ang cellphone at nag-type ng mensahe. I have somewhere important to go. Let Atty. Calix handle the meeting. Ipinadala niya iyon kay Blane. Wala nang paliwanag dahil wala na siyang oras. Pinaharurot niya ang sasakyan patungo sa address na ibinigay. Habang binabaybay niya ang daan, lalong bumibilis ang tibok ng kanyang puso. Paulit-
Tahimik ang buong conference room nang muling magsimula ang meeting. Si Atty. Calix ang nanguna. Maayos niyang inilatag sa mesa ang mga dokumentong hawak, kaparehong kopya ng mga inihanda ni Melissa. Walang bakas ng pag-aalinlangan ang kanyang kilos habang isa-isang inaayos ang mga papel at pinapaandar ang presentation sa screen. “Let’s proceed,” kalmado niyang sabi. Pinindot niya ang laptop at nagsimulang magpalit ng slide. Lumabas ang pangalan ng kumpanya. Fresh Food Corp. “At first glance,” panimula ni Atty. Calix, “the company appears stable. Strong brand. Wide distribution. Continuous expansion.” Saglit siyang tumingin sa mga naroon. “But over the past few years…” Nagbago ang slide, pinakita niya ang mga report at sandamakmak na complaints at internal records. “…sunod-sunod ang naging isyu ng kumpanya.” Unti-unting nanahimik ang mga executives. Alam ng mga ito ang lahat ng iyon subalit nanatiling tikom dahil sa CEO ng kumpanya, na ipinagwa-walang bahala ang mga iyon.
Conference Room... Lumipas ang dalawampung minuto. Unti-unting nauubos ang pasensya ng mga taong naroon sa loob ng silid. Palihim na nagkakatinginan ang mga executives, may ilan nang nagbubulungan. Hindi nila inaasahan na male-late ng ganong katagal si Melissa. Hindi kailanman nahuli sa mahalagang meeting ang General Manager. Sa dulo ng mesa, tuluyang tumayo si Axel. Bahagyang inayos ang kanyang coat bago malamig na tumingin sa paligid. “This meeting is cancelled,” diretsong sabi niya. “Since Melissa didn’t show up.” May ilang tumango at sumang-ayon, handa na ring magsitayuan. Akma nang tatalikod at maglalakad palabas si Axel nang biglang bumukas ang pinto. Napahinto ang lahat. Isang lalaki ang pumasok, maayos ang suot na suit, may dalang folder, at bakas sa kilos ang pagiging kalmado at propesyonal. “Miss Melissa asked me to come,” simula nito, malinaw at mahinahon ang boses. “She had to step out for something urgent, but the meeting will proceed.” Nangunot ang noo
Nang araw na iyon, tahimik ang opisina ni Melissa habang nakaharap siya sa kanyang laptop. Naka-activate ang secured monitoring system na maingat nilang inihanda ni Blane upang mahuli si Axel. Iyon ang paraan at ebidensya upang mabawi niya ang kumpanya at makapaghiganti na rin sa lalaki. Nang tumunog ang alarm, napaayos siya ng upo, isang un-authorize transfer ang na-detect. Napaawang ang labi niya ng makita niyang gumagalaw na si Axel. Mabilis niyang inabot ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng mesa at tinawagan si Blane. Naka-isang ring lang iyon at kaagad na sumagot ang binata. "Blane..." sabi niya. “He moved,” kaagad na sabi nito, tila naka-monitor din sa nangyayari. “How much?” “Forty million. Routed through a dummy vendor...same pattern.” Napapikit siya. Sa wakas, nahuli nila si Axel. “Second transfer incoming,” dagdag ni Blane. Parang may apoy na sumiklab sa dibdib niya. “He’s getting greedy.” tigas ang tinig na sabi niya. “He thinks the inve
“I hate her… I hate Melissa!” galit na sambit ni Bianca, habang tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha mula sa mga mata nito. Nanginginig ang mga labi, at mahigpit nitong hawak ang laylayan ng damit.Naroon sila sa loob ng sasakyan, kakalibing pa lamang kay Victoria Romero. At hanggang ngayon, wala pa ring malinaw na sagot kung sino ang pumatay sa matandang ginang… ngunit sa puso ni Bianca, iisa lang ang pinaghihinalaan nito. Saglit na napalingon si Axel sa babae bago muling ibinalik ang tingin sa kalsada. Mabagal ang takbo ng mga sasakyan, pausad-usad sa gitna ng trapik. Mabilis niyang inabot ang kamay ng babae at mariin iyong pinisil. “Don’t worry,” mababa at kontrolado ang boses niya. “We’ll find a way to avenge your mother.” Bahagya itong napahikbi, saka tumango. “Please, Axel… help me get justice for my mom. Alam kong may kinalaman si Melissa doon. Hindi niya babanggitin ang pangalan niya nang walang dahilan.” Hindi siya agad sumagot ngunit ang bahagyang pag-angat ng sulok ng kan
Hiyang-hiya si Melissa sa nangyari, kagat labing napayuko siya. “I’m sorry talaga, Mr. Han,” patuloy na paghingi niya ng pasensya. Kinakabahan siya na baka magalit ito sa kanya. Ngayon pa na kailangan niya ng tulong nito para sa paghihiganti niya kina Axel at Bianca. "It’s fine, really," sabi
“What happened to your forehead?” Napatigil si Melissa sa paghigop ng kape nang marinig ang tanong ni Mr. Han. Nahimigan niya ang pag-aalala sa tinig nito, kaya't ibinaba niya ang tasa at nahaplos ang may bendang noo. “Ah, aksidente akong nadulas at tumama ito sa mesa,” pagsisinungaling niya,
Sinulyapan ni Melissa ang sarili sa repleksyon ng salamin, her eyes roamed over every detail of her new image. She wore a bold office attire that wasn't her usual style – one that accentuated her curves and highlighted her figure. Kung dati ay maluwag at disente ang mga damit niya, ngayon ay sinady
Nang makaalis si manang, naiwan si Melissa na yakap ang kahon, ang puso niya'y tila nabalot ng lungkot. Kinuha niya ang flashlight na iniwan ni manang, ang liwanag nito'y nagbigay ng kaunting sigla sa madilim na silid. Hindi siya natatakot sa multo o masamang espiritu, pero ang takot niya'y nasa mg







