“Sa t’wing umaakto ka ng ganito, Selena… mas tumitindi ang pagnanasa ko sa’yo,” bulong ko, mababa ang tono, halos punit sa pagpipigil. Ramdam ko ang panginginig ng boses ko—hindi sa kaba, kundi sa apoy na kanina ko pa sinusubukang kontrolin.Nanatili siyang nakatingin sa akin, hindi gumagalaw, parang isang hayop na naipit sa sulok. Nagbukas ang kanyang labi, tila may gustong sabihin, ngunit agad niya itong binawi—parang natakot sa sariling sasabihin.“Bakit hindi ka makapagsalita?” ngumiti akong matalim, mabagal, parang sinasadyang iparamdam sa kanya ang panganib. “Natatakot ka ba, hm?”“Hindi ako natatakot sa demonyong katulad mo!” singhal niya, kahit nanginginig ang kanyang mga kamay. Kitang-kita ko ang paglalaban ng takot at tapang sa kanyang mga mata.“M-may masama ka bang binabalak sa akin, ha?” dagdag niya, nanginginig ang boses kahit pinipilit niyang maging matapang.“Ako dapat ang magtanong n’yan sa’yo, Selena,” sagot ko, nanlalam
Last Updated : 2025-11-26 Read more