Bago pa makalapit si William kay Reign, kumaripas na siya ng takbo papasok ng silid. “A-anong nangyari don?” kakamot-kamot ng ulong tanong ni William. “Hayst! Ewan ko ba sa batang ’yon,” natatawang sagot ni Leona. Saktong alas-dose na pero hindi pa rin bumababa si Reign. “Reign, anak, kumain na tayo,” tawag ni Leona mula sa labas habang kumakatok sa pinto. Dahan-dahang bumukas ang pinto. Lumabas si Reign na nakayuko agad ang ulo, halatang iwas na iwas. “Ma… busog pa po ako,” nahihiyang sagot niya. “Ay naku, tigilan mo ’ko sa kaartehan mo, Reign. Halika na, kumain na tayo sa baba,” natatawang sagot ni Leona. Sabay hila sa kanya papunta sa mesa. “Umupo ka na,” mahinahong sabi ni Leona. Umupo si Reign pero pag-angat ng tingin niya, nagsalubong agad ang mata nila ni William kaya mabilis siyang umiwas. Akmang tatayo ulit siya nang biglang hinawakan ni William ang braso niya. “Pag umalis ka, ibig sabihin type mo ako,” diretso pero may ngising sabi ni William.Natigilan si Reign,
Read more