تسجيل الدخولTahimik lang na nakatingin si Elena sa kanya. Tinakwil at hinusgahan siya ng mga tao sa paligid niya. Wala na siyang ibang mapuntahan. Mabigat man sa loob niya, napilitan siyang sumama kay David. Para sa batang nasa sinapupunan niya. Makalipas ang ilang buwan, pinakasalan siya ni David Lucero. Pero hindi na bumalik ang dating Elena. “Elena! Elena ano ba! Lumabas ka diyan!” mariing sigaw ni David, pero hindi man lang ito nag-effort tumayo para pagbuksan siya ng pinto ng silid. Madalas siyang nakakulong sa kwarto. Hanggang sa isilang niya si Michael. Buong akala ni David, babalik na ang dati nitong sigla kapag nakapanganak na siya, pero hindi. Ni minsan ay hindi man lang nito hinawakan o inalagaan si Michael. Palagi siyang may hawak na bote ng alak at sigarilyo, madalas tulala lang habang lumuluha ang mga mata. At sa tuwing maririnig nitong umiiyak si Michael dahil gusto nitong magpabuhat o magpalambing— “Tumahimik ka nga!” “Manang! Patahimikin mo nga ’yan!” mariing hiyaw n
Paulit-ulit na pinipindot ni David ang screen ng phone habang nakaupo sa gilid ng kama. Isa. Dalawa. Tatlo. Wala pa ring sagot. Humigpit ang panga niya bago marahas na ibinaba ang phone sa mesa. “Damn it… bakit ba ayaw niyang sumagot?!” Napahilamos siya sa mukha saka mabilis na tumayo at naglakad palabas ng kwarto. “Cassandra!” malakas niyang tawag. Pero walang sumasagot. “Manang Sabel?!” Tahimik pa rin ang buong mansyon. “Damn it! Nasaan ba sila?!” Unti-unting bumigat ang dibdib ni David nang marealize niyang mag-isa na lang siya sa bahay. — Bahagya siyang napatingin sa baba ng hagdan. Parang nakikita pa rin niya si Michael na may hawak na kutsilyo. At si Elena… Nakahandusay sa sahig. Duguan. Wala nang buhay. Mabilis siyang umiwas ng tingin saka agad naglakad palabas ng mansyon. Napayakap siya sa sarili nang biglang humangin nang malakas. “Fúck… bakit ba mag-isa na lang ako?!” gigil niyang bulong. Habang naglalakad papunta sa garden, mabigat ang bawat hakbang ni
Hindi man lang nasindak ang doktor sa sinabi ni Michael. Tahimik lang itong nakikinig habang nagsusulat, na para bang sanay na sa mga ganitong usapan. “Doc…” mahina niyang tawag habang nakatitig sa kisame. Napatingin sa kanya ang psychiatrist. “Posible bang maging normal pa ’ko?” Huminga nang malalim ang doktor saka marahang isinara ang folder na nakapatong sa mesa. “Michael…” kalmado nitong sabi. “Hindi ko masasabi kung magiging ‘normal’ ka balang araw.” Bahagyang kumunot ang noo ni Michael habang nakatingin pa rin sa kisame. “Pero hindi rin ibig sabihin no’n na wala ka nang chance magbago,” dugtong ng doktor. “May mga taong natututo, hindi dahil bigla silang nagiging maayos… kundi dahil pinipili nilang harapin ’yung mga ugali at desisyon na paulit-ulit na sumisira sa kanila at sa ibang tao.” Unti-unting dumiin ang hawak ni Michael sa cube na nasa kamay niya. “Sa ’yo…” sandaling tumigil ang doktor bago muling nagsalita. “May napapansin akong pattern. Kapag nasasaktan ka o na
Nang matapos magsalita si Leona, agad na umalingawngaw ang malalakas na palakpakan at hiyawan sa buong venue. Sunod-sunod ulit ang flash ng camera habang nakangiting yumuyuko si Leona sa harap ng mga tao. Pababa na sana siya ng stage nang may isang gwapong lalaki na naka-black suit ang lumapit sa kanya dala ang bouquet ng pulang rosas. “Congratulations, Mrs. Leona…” nakangiti nitong sabi habang iniiaabot ang bulaklak. Bahagyang nagulat si Leona pero nakangiti rin siyang aabutin sana iyon nang biglang may kamay na marahas na tumulak sa lalaki. Napaatras ito sa gulat. Agad namang natigilan ang buong venue. “D-David?!” gulat na sabi ni Leona. Mariing nakatitig si David sa lalaki bago ito malamig na tiningnan. “She’s mine.” Bahagyang natigilan pati ang MC sa stage. “I-Is everything okay?” alanganing tanong nito habang pilit na nakangiti. Biglang ngumiti si David saka nag-thumbs up sa audience. “Everything’s fine!” natatawa niyang sabi pero halatang pilit. Nagbulungan agad an
Dahan-dahang lumapit si Cassandra kay David saka siya niyakap nang mahigpit mula sa likod. “Hindi ba’t ito naman talaga ang gusto mo?” malambing niyang bulong habang marahang hinihimás ang dibdib nito. “Ang makasama ako… kami ni Manang Sabel… Ngayong wala na sina Michael at Tita Leona… kami na ang bahalang mag-alaga sa ’yo.” Bahagya pa siyang ngumiti habang nakasandal sa likod nito. “Cassandra—” “Bakit ba parang wala ka sa mood?” kunot-noong putol niya habang umiikot sa harap nito. Napabuntong-hininga si David saka umiwas ng tingin. “Nothing…” tipid niyang sagot. “Just a nightmare.” Tahimik na napatingin si Cassandra sa mukha niya bago bahagyang ngumiti. Maya-maya, marahang lumapit si Manang Sabel dala ang maliit na towel. “Sir…” mahina nitong sabi habang inaakay si David papunta sa upuan. Marahan nitong minamasahe ang likod ni David. “Huwag ka nang mag-alala, aalisin ko ’yang bad mood mo.” Napapikit si David habang bahagyang nakasandal sa upuan. Unti-unting gumaan ang pagh
Pagkatapos ng party, tahimik na nakaupo si Reign sa tabing dagat habang pinagmamasdan ang alon. Mahina ang ihip ng hangin. Naririnig pa rin sa di kalayuan ang tawanan ng mga staff habang nagliligpit ng mesa. “Ehem.” Napalingon si Reign nang umupo si William sa tabi niya saka iniabot ang isang baso ng wine. “Okay ka lang?” kalmadong tanong nito. Tahimik na tinanggap ni Reign ang baso bago bahagyang ngumiti. “Oo naman…” mahina niyang sagot. “Wala naman nang dahilan para hindi ako maging okay.” Bahagyang natawa si William habang umiinom. “You’re not good at lying, you know?” Napabuntong-hininga si Reign saka tumingin sa dagat. “Hmm… curious lang ako,” seryoso niyang sabi. “Yung first meet ba talaga natin… sa bar?” Bahagyang napangiti si William. “Hindi.” Napalingon si Reign. “Una kitang nakita…” mahina niyang sabi habang nakatingin rin sa alon. “Umiiyak ka habang palabas ng restaurant… parang two years ago.” Bahagyang natigilan si Reign. “And honestly?” natawa siya nang m
REIGN’S POVBahagya akong natigilan. Seryoso ba siya? Makikipag-date talaga siya kay Cassandra? Napayuko ako at napakagat nang madiin sa ibabang labi. “What are you waiting for?” malamig na tanong ni Michael, nakatingin sa akin na parang nagbabantay. Seryoso talaga siya. Nanginginig ang mga kamay
REIGN’S POV Nagising ako na parang may martilyong paulit-ulit na tumatama sa ulo ko. Napahawak ako sa sentido. Masakit. Pero— Mariin kong pinikit ang mga mata ko. Parang nanigas ang katawan ko habang naghahalikan sila sa harap ko. Gusto kong umiyak. Gusto kong pigilan sila. Pero wala akong
REIGN’S POV Napabalikwas ako ng gising nang marinig kong tumunog ang cellphone ko. Tss! Akala ko pa naman tumatawag na si Michael—alarm lang pala. Walang ganang humiga ulit ako sa kama. Pipikit pa lang sana ako nang— “Shit, late na ’ko!” Pasado alas-otso na ng umaga. Napangiwi ako nang maramdama
REIGN’S POV Tinapik ni Daddy ang balikat ko, na para bang kino-comfort ako. “Ano bang problema?” seryosong tanong ni Daddy kay Michael. “Kung dahil lang sa mana—” “Hindi n’yo ako naiintindihan, Dad!” putol ni Michael sa kanya. “Wala akong pakialam sa pamana n’yo. Kaya kong kumita ng pera sa sari







