“MR. DUMLAO,” iyon ang agad na naging magalang na pagbati ni Jade sa may-ari ng apartment na kanyang nirerentahan.“Siguro naman alam mo na ang dahilan kung bakit ako nandito? Natanggap mo naman iyong text ko sa iyo kagabi hindi ba?” ang pormal na tanong sa kanya ng matandang bakla niya saka ito dire-diretsong pumasok sa loob ng gate.Noon kumakabog ang dibdib sinundan ni Jade ang lalaki habang si Sheril naman ay nakasunod rin sa kanya.“Ah, kasi po hindi ko pa nakakausap iyon boss ko. Magbabayad naman po ako sa inyo talaga ngayon, kaya lang medyo masama ang mood niya kanina kaya kami---,”“Balita ko mayaman daw ang nobyo mo. Magara ang kotse, bakit hindi ka humingi ng tulong sa kanya para mabayaran mo na ako?” ang masungit nitong tanong sa kanya na hindi man lang hinayaang matapos ang iba pa niyang gustong sabihin.“P-Pero---,”“Jade! Kung hindi mo ako mababayaran ngayon mismo mas maganda siguro kung umalis ka na rito para naman mapaupahan ko itong apartment mo sa iba,” anitong paran
Terakhir Diperbarui : 2025-11-27 Baca selengkapnya