KATULAD ng inasahan niya kinabukasan, nagising siyang katabi niya sa higaan si Dave.Noon niya sinulyapan ang wall clock sa kwarto ng binata. Pagkatapos ay nagulat nalang nang biglang magsalita ang binatang nakayakap ng mahigpit sa kanya.“It’s too early, sweetheart,” anito sa kanya.“Dave!” ang nagulat niyang sabi at alam niyang bakas iyon sa tono ng kanyang pananalita.Nginitian lang siya ng binata saka hinila palapit rito at mas hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.“I never thought na may makikilala akong babaeng mas maaga pa kung magising sa akin,” ang binatang tumawa pa muna ng mahina bago dinampian ng halik ang kanyang ulo.“Five AM talaga ako kung magising, Dave,” sagot niyang isiniksik ang sarili sa tabi ng lalaki. “Pero gusto ko pang matulog,” pagpapatuloy niya.“Okay, go back to sleep,” ang binat ana hinaplos ang kanyang noo at pagkatapos at kinintalan ng simpleng halik ang kanyang mga labi.Noon mariin na ipinikit ni Jade ang kanyang mga mata saka pinilit ang sariling muli
Terakhir Diperbarui : 2025-12-02 Baca selengkapnya