HINDI napigilan ni Jade ang mapangiti dahil sa sinabing iyon ng binata. Kasabay ng pagpihit niya paharap rito ay ang kasunod na pagkilos ng isa niyang kamay saka masuyong humaplos sa gwapo at perpekto nitong mukha.“Hindi ko iniisip iyo, huwag kang paranoid,” aniyang kinurot ng bahagya ang pisngi ni Dave pagkatapos.Nagbuntong hininga ang binata saka pagkatapos ay mas hinigpitan pa ang pagkakayakap nito sa kanya.“Perfect and childhood ko with my brother Danilo,” iyon ang sa halip ay isinagot ng binata sa kanya.Natatandaan niyang nabanggit dati sa kanya ni Dave ang tungkol sa kapatid nito. Pero dahil nga iniisip niyang hindi niya dapat panghimasukan ang anumang personal na tungkol sa binata ay hindi na siya nagtanong pa noon.“Well, apart sa pagiging controlling ni Mama, of course,” dugtong nito saka tumawa ng mahina at dinampian ng halik ang kanyang noo. “Sobrang miss na miss ko na ang kapatid ko,” pagpapatuloy pa ng binata.Sa huling sinabing iyon ni Dave ay naramdaman ni Jade ang
Last Updated : 2025-12-09 Read more