“MUKHANG masaya ka yata ngayon?” iyon ang puna ni John sa kanya nang dalawin siya nito sa kanyang opisina isang araw.Tumingin lang siya sa kaibigan niyang nakaupo noon sa silyang nasa harapan ng kanyang working table saka nagkibit ng mga balikat.“Bakit, hindi mo ba gustong ganito ako kasaya?” sinagot niya si John ng isa ring tanong at pagkatapos ay nakangiti while shaking her head nang damputin niya ang tasa ng kape.“Of course I’m happy, you’re my best friend at wla akong ibang hinangad kundi ang maging masaya ka palagi,” si John iyon sa kanya.Nakatawa pero sa kabila niyon ay naramdaman parin ni Dave sa sinabi ng kaibigan niya na totoo sa loob nito ang sinabi.“Thank you,” malapad ang pagkakangiti niyang sagot makalipas ang ilang sandali.“So tell me, anong pakiramdam ng in love?” nasa tono ng pananalita ni John ang panunukso.Mabilis na natigilan si Dave sa narinig niyang tanong na iyon mula kay John. Hindi kasi niya inasahan na maririnig niya iyon mula rito. Kaya ganoon nalang
Last Updated : 2025-12-09 Read more