Kumakain na kaming pamilya ng breakfast pero hindi ko aakalain na pupunta si Ruscial."Good morning, guys," bati niya then saka niya ako hinalikan sa noo. Nagbigay rin siya ng flowers sa 'min ni Mama."Akala ko, hindi ka na makakarating, e. Ang sabi ni Senra, nalasing ka raw kagabi," sabi ni Mama."Yes, tita, but hindi ko naman po pwedeng kalimutang bisitahin ang mag-ina ako every morning to greet them. They're my priority," sagot naman ni Ruscial at saka pumunta kay baby Raci.Nagpatuloy ako sa pagkain nang makita ang seryosong expression ng mukha ni Ivran. Hinihiwa niya ang egg pero may diin. Kulang na lang pati plato, hiwain na rin niya sa sobrang inis."Ruscial, let's eat," pagyayaya naman ni tito Dario."I already eat, tito. Thank you," sagot ng fiancé ko."May darating tayong bisita," biglang sabi naman ni Ivran kaya nabaling sa kaniya ang atensyon namin. "My girlfriend is coming."Nakita ko ang gulat nina tito Dario at Mama dahil hindi sila makapaniwala sa narinig. Natuwa naman
Last Updated : 2025-12-01 Read more