"Ah, baka naman gusto na niya ng bagong buhay kaya gano'n? T-Teka, mag-aayos na ako, ha? First night ko kasi ngayon, e. Pasensya na," sabi ko sa kanila."Sige. Welcome nga pala rito," sabi nila then saka sila umalis. Ngumiti ako sa kanila bago sila umalis.Akala ko, tatarayan nila ako, mababait naman pala sila. Nadala lang ng makeup kaya kinabahan ako.Medyo binilisan ko ang pag-ayos ko sa sarili at saka nagbihis. Kinuha ko yung naka-hanger na waitress uniform na napakaikli at kita ang cleavage ko."Nasaan na si—Oh? Bumagay sa 'yo ang uniform, Senra," sabi ng manager nang makita niya ako. "Kaunting lambing lang sa mga customer natin, mukhang mapapalaki ang bigay nila ng tip."Kung gaanong natuwa ang manager ay siya namang lihim kong pagkailang. Hindi talaga ako sanay sa ganitong suotan."Halika na at naghihintay na si Criselda sa labas. Marami-rami na ang dumarating na customers," sabi pa ng manager kaya't sumunod ako sa kaniya. Napansin ko ngang paparami na nang paparami ang dumarati
Terakhir Diperbarui : 2026-01-26 Baca selengkapnya