Nagsu-swimming kami nina Mama at Klea habang sina Ivran, Ruscial at ang asawa ni Mama ang nagpe-prepare ng lunch namin."Senra, nililigawan ka ba ni Ruscial?" tanong bigla ni Klea sa gitna ng pagkukuwentuhan naming tatlo. Medyo nagulat pa ako sa tanong na 'yon."H-Ha? Bakit mo naman natanong 'yan?""Bakit hindi? Single siya, single ka rin naman. Bagay kayong dalawa. Agree ka po ba, tita Lara?" tanong niya kay Mama."Wala namang problema sa 'kin kung liligawan ka ni Ruscial, anak, e. Basta h'wag ka lang munang magbubuntis. Tsaka tama naman si Klea, bagay kayo," sagot ni Mama.Ngumiti ako nang mapait sa kanila."M-Magkaibigan lang kami ni Ruscial. Imposible namang ligawan niya ako," sagot ko sa kanila."Walang imposible, Senra.""Nasa sa inyo naman 'yan, anak. Kung gusto niyo ang isa't isa, walang problema," sagot naman ni Mama.Hindi na lang ako umimik sa kanila at ngumiti bilang sagot."Lunch is ready! Come here, girls!" tawag ng asawa ni Mama sa 'ming tatlo. Umahon na kami sa pool pa
Terakhir Diperbarui : 2026-02-02 Baca selengkapnya