Ariana's POVAng paglipas ng maraming buwan-matapos ang lahat ng nangyari.Minsan naiisip ko, parang panaginip lang ang lahat.Yung mga gabi ng pag-aalala.Yung mga lihim na unti-unting nabunyag.Yung mga taong nagtangkang sirain ang pamilya namin.Yung takot na baka muli na namang may mawala.Pero heto kami ngayon,mas tahimik,mas buo, at mas matatag.Marami kaming pinagdaanan bago naging maayos ang lahat.Hindi naging madali ang pagharap sa katotohanan,lalo na noong lumabas ang tunay na magkadugo kami ng asawa ko, at ang kamag-anak namin na gusto kaming sirain dahil sa pansariling interes.Pero sa huli, nanaig pa rin ang pagmamahalan namin, at napanagot ang dapat managot.Sa loob ng mga buwang iyon, mas nakita ko ang pagbabago kay Phyton. Mas naging maingat siya,mas naging bukas. Mas pinaparamdam niya araw-araw na kami ang prayoridad niya, at ang pagmamahal niya para sa amin ni Phrea.At ako rin,natutong hindi na tumakbo palayo kapag nahihirapan. Natutong magsalita,natutong ipaglaban ang
Terakhir Diperbarui : 2026-02-26 Baca selengkapnya