Noah Pov's Ilang araw nang walang tigil sa paghahanap. At ako—hindi rin tumitigil sa paghahanap sa kanya.Araw at gabi akong nasa baybayin, sa command tent, sa pagitan ng mga opisyal, rescuer, at mga papel na paulit-ulit lang ang sinasabi: ongoing, no confirmed sighting, still missing. Sa bawat oras na lumilipas, mas bumibigat ang kaba sa dibdib ko. “Ano’ng update?” tanong ko, paulit-ulit, kahit alam kong pareho lang ang isasagot nila. “Wala pa rin po, sir,” maingat na sabi ng isang rescuer. “Sinuyod na po namin ang bagong coordinates,may mga debris, pero—” “Pero wala siya,walang bakas?" putol ko sa iba pa niyang sasabihin na may kasamang madiin ang boses ko. “Iyan ang lagi n’yong sinasabi.”dugtong ko. Tahimik sila,sanay na siguro sila sa ganitong reaksyon.Pero hindi ito simpleng kawalan ng sagot para sa akin.Kapatid ko ang nawawala,ang babaeng hindi ko nakitang lumaki dahil sa isang trahedya. Tuwing may darating na balita—lalo na kapag may natagpuang katawan—parang humihinto a
Huling Na-update : 2026-02-02 Magbasa pa