KISSESSi Ninong Bullet mismo ang gumamot ng sugat ko sa paa. “Aw… ah–” daing ko dahil mahapdi talaga yung alcohol. “Sorry, masakit pa ba?” Umiling ako. Hinipan niya ng marahan ang paa ko kung saan ang mga sugat. “Salamat po, Ninong…” “Wag mo ng uulitin yan ah, sige na, bibigyan kita ng leave para makapagpahinga ka. Wag ka munang magtrabaho bukas, magpahinga ka lang dito sa kwarto mo.” “P-po? eh baka…” “Akong bahala kay Althea, at saka sasabihan ko na lang sila Ate Julie na alagaan ka.” Tinutukoy ni Ninong yung mga kasambahay niya dito sa Villa. Simula kasi ng pumasok ako dito, nag recruit na rin siya ng ilan pang mga katulong. Sinisigurado niyang hindi ako maiiwan mag-isa kasama si Althea. Hindi ko alam kung may alam ba siya sa ugali ni Althea sa akin, sa amin ng mga katulong kung paano niya kami itrato pero hindi na ako nangahas na malaman. Maya-maya ay may dumating at si ate Julie nga iyon na kasambahay. May dala siyang tray ng pagkain. “Ito na ho yung pinahanda niyo, Si
Last Updated : 2026-05-29 Read more