KISSESDumaan ang buong maghapon na nakahiga lang si ninong Bullet sa sofa sa may sala namin.Pagkatapos matignan ng doktor si Ninong Bullet at mabigyan ng gamot ay medyo umayos na ang pakiramdam niya at ngayon ay natutulog na ulit. “Uhm, daddy…” mahinang sabi ko ngunit hindi narinig ni daddy. Lumapit ako sa kanya habang nakikipagkwentuhan siya kay Joanna at may hawak na baso ng orange juice. Hinila ko ng mahina ang laylayan ng t-shirt niya habang umiinom siya ng juice. “Daddy, magpapaalam sana ako kung pwedeng sa kwarto ko matulog si Ninong Bullet ngayong gabi.”Sa gulat ay nabuga ni daddy ang juice na iniinom niya at nasamid-samid siya, tinapik naman siya ng malakas ni Joanna sa likod. “Daddy, okay ka lang?” “Sigurado ka papatulugin mo sa kwarto mo ‘yang damuhong yan?” “Love, hayaan mo na, para makapag-usap naman sila…” sabi ni Joanna. “Eh… kasi daddy, naaawa po ako eh… saka nilalagnat po eh…” “Tsk, tsk, tsk, kailan pa lumambot ang puso mo ng ganyan?” “Daddy naman, parang
Last Updated : 2026-07-04 Read more