“Ikaw!” itinuro ni Johnford ang bodyguard, “alam ba ng amo mo kung gaano ka ka-arogante? Kung hindi ko masasabi kay Agatha ang mga importanteng bagay na sasabihin ko, kaya mo bang panagutan?” Binuksan ni Agatha ang bintana ng mas malawak ng konti, sapat lang para marinig ang boses niya, “Johnford.” Nang marinig ito, nagliwanag ang mukha ni Johnford at itinulak nito ang bodyguard sa isang tabi, “Tinatawag ako ni Agatha!”Ngunit, hindi niya makita ang mukha ni Agatha, kalahati lang ng noo nito ang nakikita niya. “Johnford, sige na, magsalita ka na.” Nang marinig ang boses niya, biglang namula ang mga mata ni Johnford, “Agatha, ayaw mo man lang ba talaga akong makita?” Napabuntong hininga si Agatha sa loob-loob niya. “Johnford, hindi na talaga kailangan…” “Lumipad ako magdamag galing Pinas noong araw na natanggap ko ang balita para sayo… para lang protektahan ka, tapos hindi mo man lang ako haharapin…” puno ng hinanakit ang boses niya. Mula sa tono nito, nagugunita ni Agatha ang k
Last Updated : 2026-06-19 Read more