KIARA Hindi ko agad inangat ang ulo ko mula sa dibdib niya. Pinakinggan ko ang pagtibok na ito dahil sa sinabi niyang dahil sa akin kaya ganito ang tibok nito. In reality, it’s really soothing hearing his heartbeat, it’s like music to my ears. I heard, I feel the beat, but the meaning of it… it’s still unclear. Ano bang purpose noon kung bakit ganon ang nararamdaman niya? May nararamdaman na rin ba siya sa akin? Kaya na ba naming sumabay sa agos? Yung nangyari kanina sa bahay nila, may meaning ba iyon o dahil miss lang namin na gawin ang bagay na iyon. “Ang totoo, hindi ko alam ang gagawin ko Kiara,” mahina niyang sabi. Napalunok naman ako, dama ko ang bigat ng kaniyang boses. Yung kaninang malambing, yung kaninang ang gaan ay naging mabigat. Biglang sumagi sa isip ko ang lahat lahat ng sinasabi nila. You can’t love him… “Kaya mo bang mag-risk ulit, Noah?” tanong ko sa kaniya. Matapang kong sinabi iyon, matapang akong nagtanong. I want to hear it. Gustong kong sabihin niya sa aki
Última actualización : 2025-12-26 Leer más