KIARADahil sa nangyari kaninang mainit na diskusyon, umuwi na rin agad sila at naiwan kaming tatlo sa penthouse. Hindi naman kami nag-uusap ni Noah, pero dama ko na tumitingin siya sa gawi ko. “Aalis na ako, wala na rin naman sila dito,” wika niya. Napayuko na lang ako at pinipilit na huwag siyang tignan. Ayaw ko muna na magkaroon ng kahit ano’ng emosyon patungkol sa kaniya ngayon. Meron kaming kinakaharap na problema ni Zoren na kailangan naming iresolba. “Okay, mag-ingat ka. Thank you for saving us,” wika ni Zoren sa kaniya. “Iyon lang magagawa ko, next time lakasan ninyo na ang loob ninyo na kalabanin yung mga iyon.” Napangiti naman siya sabay huling sumulyap sa akin bago ako umalis. Napahinga na lang ako at napasunod ng tingin sa kaniya. Alam kong hindi pa rin kami ayos dalawa, hindi ko rin siya kayang tignan pa kahit na iyon ang ginawa niya sa buong magdamag nung nandito siya sa penthouse. Nung naiwan kaming dalawa ni Zoren, doon nagkaroon ng katahimikan. Ang lugar namin ka
最終更新日 : 2025-12-15 続きを読む