KIARANapalunok ako dahil sa sinabi niya, hindi ko ma-explain ang pakiramdam nung narinig ko mula sa kaniya ang mga katagang iyon. Ang sarap pakinggan. Pakiradam ko buong-buo ulit ako, pakiradam ko andoon ulit yung pagmamahalan namin para sa isa’t isa. “Bakit hindi mo sinabi na pupunta ka rito?” tanong ko sa kaniya. Napangiti naman siya sabay hinawakan ang kamay ko. “Kasi I wanted to surprise you. Sabi ko, dalawang buwan din tayo hindi nagkita and nung time na dumating si Zoren, doon ko sinabi sa kaniya yung kagustuhan ko na pumunta dito sa Manila. Gustong-gusto kitang makita, I wanted to know, kung kumusta yung father mo o kung ano ang nangyari sa ‘yo dito nung wala ako.” napangiti ako dahil sa sinabi niya. Dama ko ang kagustuhan niya talaga na makita ako. Kitang-kita ko sa mga mata niya yung lingering, na gusto niya na makasama ako. “Kaya nung bumalik si Zoren, sumama na ako sa kaniya and dito niya ako tinuro, ito yung condo na hindi niya ginagamit. Sabi niya sa akin, meron na ra
Read more