Masayang naglalaro ang mga bata nang tumayo si Fatima upang sagutin ang tawag sa kanyang cellphone.“Ikaw muna dyan, saglit lang ‘to” paalam ni Fatima kay Imelda. “Sure, Tita.” nakangiting sabi ni Imelda. Nang lumayo si Fatima lumapit naman si Imelda sa dalawa at naupo sa gilid ng carpet.“Ang ganda naman ng castle ninyo.”“Mommy, look! I'm the queen!” sabi ni Queenie.“Of course, sweetheart.”Pagkatapos ay bumaling siya kay Lian.“Ikaw naman yung princess?”“Opo!”“Ang cute ninyo.” Ngumiti si Imelda. “Lian, malapit lang ba rito ang bahay ng lolo at lola mo?”“Opo. Nasa bahay po namin sila.” ani Lian habang patuloy lang sa ginagawa.“Ah, mabuti naman. Siguradong tuwang tuwa sila kapag kasama ka.”“Opo.”“Si Queenie kasi, bihira lang niya makasama ang lola niya. Kaya excited siyang nandito na kami.”Napatingin si Lian kay Queenie na abala sa pag-aayos ng manika.“Lola rin po niya si Senyora?”“Oo naman. Kaya nga dinala ko siya rito para makasama niya ang lola niya.”Tumango si Lian.
Última atualização : 2026-10-27 Ler mais