Hacienda Fatima…Sa ilalim ng malaking puno ng acacia, nagkukumpulan ang mga batang naglalaro. Si Lian lang ang may dalang tulak-tulakang ibong de-lata. May mahabang kahoy itong hawakan at maliit na gulong. Na kapag itinutulak ay bukas sara ang pakpak na de-lata.Kanina pa nakatingin si Lian sa laruan ng mga batang lalaki. Matagal na niyang gustong magka-robot, pero ayaw siyang bilhan ng kanyang ina. Panlalaki raw yun at dapat manika ang laruin niya.“Pahawak, isa lang.” sabi niya sa batang lalaki.“Hindi.” sagot nito sabay layo ng laruan.“Dun ka na. Bawal ka dito, wala kang robot.” sabi ni Kano, isang pitong taong gulang na batang lalaki, na gaya ni Lian ay single mom din ang ina dahil naanakan daw ng Afam.“Merun akong laruan…” sagot ni Lian at ipinakita ang hawak niya,.“Hindi naman robot yan.” supaldong sabi ni Kano.HIndi na nakipagtalo pa si Lian. Sa halip ay lumayo siya ng bahagya sa mga ito at nagsimulang mangolekta ng mga bato, tuyong sanga at piraso ng kahoy. Saka niya p
Última atualização : 2026-10-16 Ler mais