ESMERALDA I couldn't even sleep, pabaling-baling ako sa kama, ni hindi ako nakakain kaya inis akong napatitig sa itaas ng kisame. Now, how will you start with your plan, Esme? Humanap ako ng pwestong komportable ako hanggang makaramdaman na ng antok sa labis na pag-iisip kung anong gagagwin kong hakbang bukas. Ang babaw lang ng tulog ko, masama pa ang pakiramdam ko paggising ko, umiikot ang paningin ko. Simula pa kagabi totoong sinasamaan na ako, my body's feeling heavy, parang gusto ko lang mahiga pero hindi naman pwede... Napahawak ako sa tiyan ko sa bandang puson dahil parang humilab kagabi, not usual cramps... parang may malaglag na hindi ko maintindihan sa kaba at takot ko kagabing tutuluyan ako ni Mathias... Pang-ilang beses na akong natututukan ng baril, ilang beses na rin ako na-to-trauma sa mga lalaking wala sa katinuan. I woke up light headed, para akong lutang. Babangon na sana ako pero parang ayaw makisama ng katawan ko kaya nasusuya ako. "Ano ba ito..."
Huling Na-update : 2025-12-24 Magbasa pa