MIREA“Grabe, ang astig talaga nang lasa kapag expensive coffee, ‘no? Kakaiba. May palatandaan talaga ‘pag pang mayaman. Pati ang carbonara nila, panalo! Feeling ko tuloy rich girl na ’ko!”Matamis akong ngumiti sa kanya. “Sa susunod na sahod, dadalhin ko rito si Lola. Tiyak na magugustuhan no'n ang garlic bread na'to,” Tinaas niya ang hawak na sliced bread. Tumikhim ako. “Magte-take out ako para sa kapatid ko at kay Nanay, o-order na rin ako para sa Lola mo.”She was speechless for a moment. “T-Talaga? Promise ba?”Ngumiti ako sa kanya at umisang tango. “Gosh, hindi nga?” She genuinely smiled at me. I slowly nodded to her. “Wow, ganito pala yung feeling? Ngayon ko lang kasi naranasan ‘yung malibre. Ever since then, I've grown accustomed to being the one who always gives. Oh, English ‘yon, ah!” Sabay kaming natawa sa sinabi niya. “Seryoso, ang saya pala sa feeling. Wala rin kasi akong kaibigan maliban sa inyo ni E-M, eh. Nakakatakot kasi magtiwala…”Hindi ako kumibo sa sinabi
Baca selengkapnya