MIREA“Ayan, liko ka diyan sa ginkgo street,” anunsyo ko kay E-M. “Wait, nasa Q-Village na tayo?” tanong ni Dhana. “Yep,” si E-M. “Hindi ba't malapit lang ito sa S-Vil?” muling tanong ni Dhana. “Yes, the most exclusive village in manila. Likod lang nitong Q-Vil,” mahinang imporma ni E-M. Mabilis siyang nilingon ni Dhana. “Bakit mo alam ang tungkol sa S-Vil, huh? Siguro may binu-book kang walker malapit dito, ‘no?” Agad akong natawa sa sinabi niya. “Kadiri ka naman, Zee! Pwede bang tumahimik ka na lang? Kung anu-anong sinasabi mo diyan,” sita ni E-M. “Lolo mo tahimik—”“Malamang deads na.”“Ewan ko sa'yo!”“Ang dami niyo talagang energy dalawa,” iiling-iling kong sabi habang nangingiti. “Maligalig kasi ‘yan si E-M. Kanina nga, ipasok ba naman ‘yung daliri sa kilikili ko! May guest pa naman na nag-aantay ng order sa harapan namin.”“Pa'no laging basa, try mo kaya maglagay ng tawas—”“Ang kapal mo talaga! Anong akala mo sa'kin may putok?”E-M tsked! Napapailing na lang ako haban
Baca selengkapnya