LOGINREX“WHAT OUTRAGE IS THAT?”I violently hit the papers that Garry handed me on my table!“How did they fire so many employees without my permission?” umalingawngaw ang boses ko sa aking opisina dahil sa galit. “Walang nagsasalita kahit isa sa kanila, Sir. Maliban kay Ms. Dhana. Ayon dito, pinagpasa raw po ng resignation paper lahat nang ‘yan para palabasin na nagkusa ang mga ito sa pag-alis.”My eyebrows twitched as my nerves fluttered! “May nagsabi rin daw sa kanya na marami na ang pinapabago sa course. Bukod doon, dumarami na rin po ang nagrereklamo mula sa iba't ibang department. Isa sa inirereklamo ang delay na sahod at kakulangang bayad sa mga over time. Sa aking palagay, sinasadya ito para marami talaga ang umalis.”Tumalim ang tingin ko sa mga tumalsik na papel sa sahig. “Mananagot sa akin ang mga gumawa nito.” I smirked. “Padalhan mo ng mensahe lahat nang pinaalis. Pwede kang magpatulong kay Emmanuel. Sabihin mo sa kanila, mag report sa akin within this week. Babalik tayo b
MIREALumabas ako ng bahay nang bigla na lamang makaramdam ng pagkabagot. Kahit ang balcony ay kinasawaan ko na rin tambayan. Tatlong araw na ‘ko rito, tatlong araw na rin akong kain tulog lamang ang ginagawa. Hindi ako sanay. Gusto ko lumanghap ng sariwang hangin, habang naglalakad-lakad dito sa tabing dagat. Nakakainip din kasi kapag walang ginagawa. Bukod doon ay wala pa ‘kong makausap dito. Tila wala pang balak si Rex bumalik sa manila. “Asan na kaya ang lalaking ‘yon?” Hindi ko siya maintindihan. Kahit sa kung anong plano niya ay wala akong alam, dahil buhat nang tawagan siya ng daddy niya noong isang araw, hanggang ngayon ay hindi ko pa siya nakikita. Kapag tinanong ko naman si Manay tungkol sa kanya, hindi niya rin alam ang lagi nitong sagot. “Kailangan ko pa naman siya makausap…”Umupo ako sa buhangin, nang mapansin ko ang kaakit-akit na ganda nang sunset. Hindi ko maiwasang mapangiti, ngayon lang kasi ako nakapunta sa ganito kagandang lugar. Masarap sana rito, ‘pagkat
MIREAKatatapos ko lang maligo at magbihis, nang hawakan ko ang aking phone upang kumustahin ang kapatid kong si Keeth. Nagtitipa na'ko ng mensahe nang biglang may kumatok sa pintuan. Sandali akong napaisip. Kailanman ay hindi ako kinatok ni Rex, kaya malakas ang kutob ko na hindi siya ang nasa labas. “Good afternoon, Ma'am,” bungad nito nang buksan ko ang pintuan. I knew it. Tipid akong ngumiti sa babaeng nasa aking harapan. Ewan ko pero bigla akong nakaramdam nang hiya dahil sa itinawag nito sa'kin. Hindi ako sanay. “G-Good afternoon po,” naiilang kong sagot. Hindi ko alam ang itatawag sa kanya, halata rin kasi na may edad na ito. Puti na ang kanyang buhok, gayunpaman ay kita pa rin ang angking ganda nito. “Ako nga pala si Evie, Hija.” Pakilala niya. “Pwede mo ako tawaging Manay Evie, tulad ng nakasanayan ko na tinatawag sa akin dito,” magiliw siyang ngumiti sa akin. “Isa ako sa caretaker dito ni Rex,” dagdag niya pa. Tumikhim ako bago sumagot sa kanya. “Ako po si Mirea, M
MIREANaalimpungatan ako nang maramdaman ang lamig na tumatama sa aking balat. Hinila ko pataas ang blanket na nakapa ko, saka ko ito binalot sa aking katawan. Magaan na ang aking pakiramdam kumpara kahapon. Sobrang daming nangyari, para akong na-over fatigue. Ito ang unang beses na nagising akong payapa ang aking isipan. Walang maingay, walang magulo— hindi problema ang sumalubong. Marahan akong dumilat nang maalala ang kapatid ko at si inay. Nagtaka ako nang makita ang iilang kandila na nagbibigay liwanag sa kwarto kung nasaan ako. It's not just an ordinary candle, it gives a fragrant aroma to this whole room. Umupo ako at kinapa ang leeg ko. “Hindi na ako mainit . . .”Pinasadahan ko nang tingin ang paligid. Napakalawak ng kwartong ito. At kasya ang apat na tao sa kama na nagbigay nang ginhawa sa aking pagtulog. Sandali akong natulala, nang maalala ang huling tagpo sa pagitan naming dalawa ni Rex bago ako nakatulog kagabi. Nagtalo kami dahil sapilitan ako nitong sinasama sa
REXIt was morning when we arrived at the house I bought here in Batangas three years ago. No one else knows about it other than the two ladies who are the caretakers of this property, and Garry— my trusted body guard and driver. Hindi sila ordinaryong tagapangalaga o tagapagbantay lang. Mapili ako sa taong pinagkakatiwalaan ko, kaya sinigurado ko na maaasahan sila kapag kinailangan ko dahil malayo ang lugar na ito. Kakailanganin pa ng sasakyang pangtawid sa dagat bago makalabas dito. “She's fine now, Sir. Bumaba na ang lagnat niya. Kailangan lang nito nang pahinga para magtuluy-tuloy ang pag-galing niya.”“Thank you,” I answered in a low tone. “You're welcome, Sir.” Yumuko ito saka umalis. Hinatid ko nang tingin si Emmanuel hanggang makalabas ito ng kwarto ko. Isa siyang nurse. Anak ito ni manang Evie, ang naaasahan ko rito sa bahay. Binalik ko ang tingin kay Mirea nang gumalaw ito sa kama. Pinagmasdan ko siya habang mahimbing na natutulog. Gusto kong hawakan ang maganda niyang
MIREA“Ate.”“Mirea.”Isang matamis na ngiti mula kay nanay at Keeth ang bumungad sa akin, nang automatikong bumukas ang sliding door ng kotse ni Rex. Labis na tuwa ang naramdaman ko nang mapansin ang maaliwalas na mukha ni nanay. Panandaliang nawala ang bigat na nararamdaman ko. “Hinatid kami dito ni Sir Garry, Ate,” imporma ni Keeth sa akin. “Sir Garry?”'Yon ang pangalan na narinig kong binanggit ni Rex kanina habang may kausap sa cellphone. “Personal driver daw siya ni Kuya Rex.” Nagulat ako sa sinabi nito.Kuya? “Salamat, Anak,” Tumingin ako kay nanay. “Napakabait ng kasintahan mo.”Nag-init ang mukha ko at pasimpleng tumingin kay Rex dahil sa hiya. Hindi ko alam na nakatingin din pala siya sa akin kaya nakaramdam ako ng pagka-ilang nang magtagpo ang mga mata namin. Bakit gano'n? Parang wala lang sa kanya ang sinabi ni nanay? “Go inside,” He said in his low baritone voice. Inalalayan ako nito hanggang makaupo kami sa likuran ni Keeth at nanay. Isang beses ako napabahin







