KINABUKASAN...Maliwanag ang araw. Puno ng kulay at tawanan ang malawak na bakuran ng Paaralan. Mga mag-anak ang magkakahawak-kamay, nagpipicture, at naghahanda para sa iba’t ibang palaro.Nakatayo si Krystal sa gilid, suot ang puting t-shirt na may logo ng paaralan, habang inaayos ang kwintas ni Thalia. Si Thunder naman ay abala sa paglalaro ng bola kasama ang ibang mga bata.Masaya sila. Nakangiti sila. Pero alam ni Krystal na sa likod ng mga ngiting iyon, may pagkukulang. Ramdam niya iyon sa tuwing sumusulyap si Thunder sa mga batang may kasamang tatay na binubuhat sila o tinutulak sa swing.“Okay lang ba tayo?” bulong ni Krystal sa sarili, pilit na pinatibay ang loob.Nagsimula na ang mga palaro. Una na rito ang “Tatay-Anak Relay”.Nagsigawan ang mga bata habang tumatakbo ang mga ama kasama ang kanilang mga supling. Masaya ang paligid, pero para kay Krystal, bawat sigaw ng “DADDY!!” ay parang kutsilyong tumatarak sa kanyang puso.Hanggang sa...“Next! Next group!” sigaw ng guro. “
閱讀更多