Ilang araw matapos nilang malaman ang lahat ng katotohanan, isang gabi habang mahimbing na natutulog ang kambal, inanyayahan ni Rafael si Krystal sa malawak na veranda ng kanilang tahanan. Payapa ang paligid, tanging huni ng mga kuliglig at banayad na simoy ng hangin ang naroon.Medyo nakakaramdam ng kaba si Rafael sa kanyang balak ngayun .Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili bakit nga ba sya kinakabahan ,natatakot ba sya na hindi papayag si Krystal .Tila kung ano ano ang pumapasok sa kanyang isipan .Humarap si Rafael sa kanya, hindi pa niya nilabas ang maliit na kahon ,Kitang-kita naman ni Krystal ang panginginig ng kamay nito hindi dahil sa takot, kundi dahil sa sobrang bigat at katapatan ng nararamdaman.Agad syang nagtaka kung bakit ngunit hindi na sya nagtanong pa .“Krystal…” panimula niya nang mahina, habang nakatingin nang diretso sa mga mata nito. “Alam kong alam nating dalawa… na dati pa tayong itinuturing na mag-asawa sa papel. Noon, puro kasunduan lang. Kasunduan na
Magbasa pa